Tanggapin ang may Tupi na 1000-Piso Polymer Banknotes.

Tanggapin ang may Tupi na 1000-Piso Polymer Banknotes.

Client Advisory,

Paalala ng BSP, DTI, DILG at LTFRB: Tanggapin ang may Tupi na 1000-Piso Polymer Banknotes.

Nagpalabas ng magkakahiwalay na advisory sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nananatili ang halaga ng 1000-piso polymer banknote na may tupi at maaaring ipambayad ito.

Hinihikayat din ng mga nasabing ahensya ang publiko na ipagbigay-alam ang hindi pagtanggap ng may tuping polymer banknote sa pamamagitan ng mga sumusunod:

BSP e-mail address: [email protected]

LTFRB Hotline: 1342 / Landline: 8529-7111 / E-mail address: [email protected]

DTI Hotline: 1-384 / E-mail address: [email protected]

#AllBankPH

#WorkHardBankEasy